Napansin ng ilang netizens ang tila pagbabago sa sweetness nina Donny Pangilinan at Belle Mariano matapos silang magkasamang bumiyahe patungong Sydney, Australia para sa “ASAP XP Australia.”
Kasama rin sa nasabing biyahe sina Robi Domingo at Darren Espanto, habang agad namang nag-viral ang mga video ng DonBelle mula sa NAIA hanggang sa kanilang pagdating sa Australia.
Bagama’t ikinatuwa ito ng kanilang fans, may ilang netizens ang nagsabing tila hindi na kasing-sweet ang dalawa kumpara sa mga nauna nilang trips.
May ilan pang nagbigay ng kani-kanilang opinyon at iniuugnay ito sa pagtatapos ng promo ng kanilang pelikula.
Hindi naman ito pinalampas ng solid DonBelle supporters na agad ipinagtanggol ang kanilang idolo.
Para sa kanila, hindi kailangang magpakita ng public display of affection (PDA) ang dalawa para lamang mapatunayan ang kanilang closeness o mapasaya ang fans.
Ayon sa kanilang supporters, sapat nang makitang magkasama sina Donny at Belle sa iisang flight at magkasamang nagtatrabaho sa Australia.
Umaasa rin sila na mas marami pang sweet moments ng DonBelle ang makikita sa mga susunod na araw habang nasa Sydney ang love team.
Trending
- Aerobic Gymnastics Asian Championships ng Senior sa Agosto 4-7
- Gilas bumagsak sa 39th sa FIBA world rankings
- Yassi, Cong. Luigi nag-celebrate matapos ang engagement announcement
- Donny, Belle ‘di na sweet sa isa’t isa?
- Klea, Janella magkasama sa pagbili ng bagong sasakyan
- Kamara, handa na sa Ika-5 SONA ni PBBM
- NBI kinuwestiyon sa magkaibang treatment kay VP Sara sa teacher na nagbanta kay Digong
- Subpoena sa financial records ni VP Sara, inilabas na
