Inanunsyo na ang first four official entries sa 52nd Metro Manila Film Festival.
Sa kasamaang palad, laglag ang pelikula nina Dingdong Dantes at Marian Rivera, ang Remember.
Pero teka, hindi kaya mapabilang na ito sa second half?
But ang latest, hindi naman daw talaga intended ito para sa MMFF.
In fact, pang-November 25 daw ito.
Matatandaang winasak ng Kapuso couple ang box office records via their Rewind in 2023.
Inilampaso nito ang mga nakasabay na entries, even grossing beyond our expectations.
Who knows, baka history repeats itself kung ilalaban ang Remember sa MMFF this year?
Pero dinig namin, gagayahin nito ang playdate ng Hello Love Again nina Kathryn Bernardo at Alden Richards which also settled for a late November playdate.
Anyway, hintayin natin ang apat pang opisyal na kalahok.
It might include an entry as powerful as Rewind, na ewan kung makabog ang Vic Sotto-Vice Ganda entry.
====
Trending
- Blu Girls ginulat ang No. 3 Puerto Rico
- Ateneo nagpamisa para kina Baterbonia, Adili
- Zsa Zsa, ginunita ang 14th death year ni Dolphy!
- Mariel, nagsuot ng doctoral regalia sa graduation
- Ate Gay, nakitaan uli ng bukol sa leeg, naagapan
- Mas mataas na reputasyon ng mga marinong Pilipino
- Pilipinas umangat sa global startup rankings
- Saging nagpatibay sa export sa New Zealand
