“’Di kami pasisiil.”
Mariing tinanggihan ng Department of National Defense (DND) ang panawagan ng China na itigil ng Pilipinas ang mga hakbang nito kaugnay ng Bajo de Masinloc.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro, bahagi ng teritoryo ng Pilipinas ang Bajo de Masinloc, at naaayon sa international law, partikular sa UNCLOS at sa 2016 Arbitral Award, ang mga hakbang ng bansa.
Sinabi rin ng DND na ang pagsusumite ng updated nautical chart ng Pilipinas sa United Nations ay naglalayong malinaw na ipakita ang sakop ng maritime zones ng bansa.
Iginiit ng DND na patuloy na ipaglalaban ng Pilipinas ang karapatan at soberanya nito sa Bajo de Masinloc at hindi magpapadala sa mga pahayag at kilos ng China.
Trending
- Bacaro, Colonia nagwagi ng medalya sa Uzbekistan
- Manlalaro ng Ateneo Men’s basketball , biktima rin
- Liza Soberano unti-unting naaabot ang Hollywood dream
- Sophia Laforteza pahinga muna para sa mental health
- Awra Briguela binalikan ang nagawang pagkakamali
- NEA dapat tutukan ang rural electrification program
- ‘Di susuko ang Pilipinas sa Bajo de Masinloc
- Robin Padilla, misis ni Bato nagkita sa Davao
