Gumuho ang isang detour bridge nang daanan ng isang dump truck na kargado ng mabibigat na bato sa bahagi ng Kaliwet Bridge sa bayan ng Santo Domingo, Ilocos Sur nitong Sabado, Mayo 2.
Batay sa inisyal na ulat, nasa kalagitnaan ng pagtawid ang naturang sasakyan nang bigla na lamang bumigay ang istruktura ng pansamantalang tulay.
Pinaniniwalaang labis ang bigat ng karga ng truck na naging sanhi ng pagguho nito.
Agad namang rumesponde ang mga awtoridad upang tiyakin ang kaligtasan sa lugar at maiwasan ang karagdagang aksidente.
Sa ngayon, wala pang kumpirmadong ulat kung may nasaktan o nasawi sa insidente.
Pansamantalang isinara sa publiko ang nasabing bahagi ng kalsada habang isinasagawa ang clearing operations at masusing pagsusuri sa kalapit na mga istruktura.
Samantala, mahigpit na pinaalalahanan ng mga kinauukulan ang mga motorista at hauling companies na sumunod sa itinakdang load limits upang maiwasan ang kaparehong insidente sa hinaharap.
Trending
- Pulis-Maynila isa-summary dismissal, nananakot
- GM Antonio: Ika-5 sa Banja Open; hari sa 50+ division
- Ika-20 Kamatyas Chess Festival sa Nobyembre 21
- Gadgets sa barangay hall tinangay, 4 kawatan tiklo
- Paslit minolestiya, tambay dinampot
- May-ari ng pet crematorium sumuko sa NBI
- Bangkay sa CR , suspek tiklo
- ER sa Ospital ng Maynila napuno

