SA block screening ng advocacy movie na Neophyte 26 ay muling sinabi ng bida na si Derrick Monasterio kung gaano niya kamahal ang kanyang girlfriend na si Elle Villanueva, na kasama rin sa pelikula.
Paulit-ulit niyang sinabi na 100 percent sure na raw siya kay Elle.
Sinabi ni Derrick na 100 percent ay si Elle na ang kanyang pakakasalan at makakasama sa forever.
“In fact kapag nagpa-plan nga ako na magpagawa ng house, soya agad ang unang tinatanong ko sa design,” sabi pa ni Derrick.
Anyway, ang advocacy filn ni Derrick na Neophyte ’26 ay isang action/drama movie about sa hazing, bullying at fraterniry.
Umiikot ang kwento kay Ned (ginagampanan ni Derrick), isang binatang may pangarap na iangat ang buhay ng kanyang pamilya.
Haharap siya sa matitinding pagsubok, kabilang ang mga realidad sa fraternity at sa personal na buhay.
Ipinapakita ng pelikula ang sakit at sakripisyo, pagmamahal ng pamilya at katapangan sa gitna ng problema.
Kasama rin sa pelikula si Angelica Jones na gumanap bilang si Nelia, ang ina Derrick.
Isang mapagmahal at matatag na ina ang role ni Angelica na gagawin ang lahat para sa anak.
Kasama rin sa cast sina Jon Lucas, Neil Ryan Sese, Lance Raymundo at Andrea del Rosario, sa direksyon ni Rommel Penesa.
Napapanahon ang tema ng Neophyte ’26 dahil mainit ngayon ang mga balita tungkol sa hazing at fraternity culture sa school.
Kasabay nito ay ipinakikita rin ang laban ng isang anak at ng kanyang pamilya.
May aral ang nasabing pelikula and we strongly suggest na lumibot ito sa mga eskwelahan at panoorin ng mga estudyante.

Share.
Exit mobile version