Ito ang obyus na “thought balloon” ni Derek Ramsay na inuurutan ang asawang si Ellen Adarna na sundan na ang kanilang anak na si Baby Liana.
Baby Liana–na tinawag din ni Ellen na “Baby Inday”–is now seven months old.
Matatandaang isinilang ni Ellen ang kanilang Dragon baby October last year, pero isinapubliko lang a month later.
Lately lang nang finally ay ini-reveal nang mag-asawa ang pagka-cute na cute na mukha ng baby.
Eto’t tila kating-kati na si Derek na magkaroon ito ng kapatid!
Sa kanilang Instagram post, makikita sa video that the couple is in the company of friends aboard a yacht somewhere in Coron, Palawan.
May isang eksena doon kung saan nag-a-apply sa isa’t isa sina Ellen at Derek ng sunblock lotion sa katawan.
Ellen was applying it on Derek’s shoulders, habang nakaluhod naman ang aktor rubbing the lotion against his wife’s legs.
Nilakipan ito ng caption ni Derek ng: “Baby Number 2!”
Kaagad namang nag-react si Ellen ng: “Lol, NO!”
Hati naman ang reaksyon ng mga netizens, pero mas lamang ang mga nagpu-push nito dahil nga magandang kumbinasyon ang mag-asawa.
May ilan namang nakakaintindi kay Ellen dahil hindi nga naman madaling magbuntis.
Trending
- Halos 1000 atleta, sasabak sa PH Athletic Championships
- Ama ni Divine Adili sumisigaw ng hustisya
- Nadine Samonte gigil sa ugali ng ilang flight attendants
- Kaye Abad nagpa-pink ribbon tattoo bilang simbolo ng pag-survive niya sa cancer
- Claudia pinapaalis apelyido ni Dennis Padilla
- Testimonya ng 18 ‘Maleta Boys’ hindi tatayo sa korte – Malacañang
- P50K sahod sa mga Pinoy nurse itinulak
- Chavit, nagpiyansa sa cyberlibel

