Ibinunyag ng dating professional wrestler at aktor na si Tyler Mane, na nakilala sa kaniyang pagganap bilang Sabretooth sa X-Men film franchise, na siya ay na-diagnose na may breast cancer, isang sakit na bihirang makita sa kalalakihan.
Ibinahagi ni Mane ang kaniyang kondisyon sa pamamagitan ng isang video na inilathala sa kaniyang Instagram account kung saan makikitang sumasailalim siya sa chemotherapy habang nakakabit sa intravenous (IV) treatment.
Ayon sa aktor, nagpasya siyang isapubliko ang kaniyang kalagayan upang mapalawak ang kamalayan hinggil sa male breast cancer, isang usaping madalas na hindi nabibigyan ng sapat na pansin.
“I have some bad news. I started chemo today. One in 750 men will be diagnosed with breast cancer in their lifetime, and I’m one of them. Because it’s rarely talked about, it’s usually found at later stages and has worse outcomes. I want to change that,” ani Mane.
Sa caption ng kaniyang post, ipinaliwanag ni Mane na ang male breast cancer ay nananatiling napakabihira at bumubuo lamang ng humigit-kumulang isang porsiyento ng lahat ng kaso ng breast cancer sa buong mundo.
Inamin din ng aktor na una niyang naisip na ilihim ang kaniyang diagnosis dahil sa pakiramdam ng hiya at pag-aalinlangan. Gayunman, napagtanto niya kalaunan na ang pananahimik ay maaaring magpalala sa kakulangan ng kaalaman ng publiko tungkol sa sakit.
“I’ll be honest, my first reaction was to keep it secret. I mean it’s kind of embarrassing. But then I found out that men are more likely to be diagnosed in advance stages BECAUSE it’s not talked about and not looked for. In fact, my doctors all dismissed it and it was only because my wife pushed me to get the lump removed that I got in early,” saad pa ni Mane.
Ayon kay Mane, naging mahalaga ang pagpupursige ng kaniyang asawa upang agad na masuri at maagapan ang kaniyang kondisyon.
Kasabay nito, hinikayat ng aktor ang publiko na maging bukas sa pagtalakay tungkol sa male breast cancer at binigyang-diin ang kahalagahan ng maagang pagtuklas ng sakit upang mapabuti ang posibilidad ng matagumpay na paggamot.
“If caught early, it’s VERY treatable. Time to answer the Wake Up Call! Like, Save, Share, Comment let’s spread the word!” aniya pa.
Sa kasalukuyan, patuloy na sumasailalim si Mane sa chemotherapy habang ginagamit ang kaniyang plataporma upang hikayatin ang mas malawak na kamalayan tungkol sa breast cancer sa kalalakihan.
Trending
- South Korea, comeback win laban sa Czechia
- Garcia, Carlsen tabla sa ASEAN Esports Chess Cup
- Dating X-Men actor na si Tyler Mane, may breast cancer
- ‘Tawag ng Tanghalan’ mamamahinga muna – Vice Ganda
- Jeric Gonzales: 50-anyos bebot ipinalit kay Rabiya
- Mayor Magalong hinamon pangalanan ‘90% corrupt’ na kongresista
- Karamihan ng Pinoys, gustong manirahan sa ibang bansa
- 3,500 iskul sarado pa rin sa Mindanao quake
