Sinampahan ng kaso ng dating Miss Universe Jamaica ang Miss Universe Organization at dalawang kumpanyang konektado rito dahil sa kapabayaan na nagdulot ng kanyang pagkahulog sa entablado noong 2025 sa Bangkok, Thailand.
Kabilang sa mga sinampahan ni dating Miss Universe Jamaica Gabrielle Henry ng mga kasong negligence; premises liability; negligent hiring, retention and supervision; at negligent and intentional infliction of emotional distress ang Miss Universe Organization, JKN Legacy Inc. at Legacy Holding Group USA.
Batay sa ulat ng People, ang kaso ang isinampa ni Henry noong Lunes, September 21, 2026 sa Delaware Superior Court.
Sa reklamo ni Henry, bagama’t sumunod siya sa pinraktis nilang choreography sa preliminary portion ng Miss Universe competition noong November 19, 2025, nahulog siya nakabukas na bahagi ng entablado na naglalaman ng mga lighting equipment at concrete. May lalim umanong 5 talampakan ang kanyang kinahulugan.
Sinabi ni Henry na hindi niya nakita ang naturang butas dahil sa lakas ng mga ilaw. At dahil sa pagkahulog, nawalan siya ng malay at nakaranas ng “traumatic brain injury with acute subarachnoid hemorrhage, frontal lobe hemorrhagic contusion, and subdural hemorrhage” na naging dahilan ng kanyang pagka-confine sa ospital mula November 19 hanggang December 10, 2025.
Hanggang ngayon ay dumaranas pa rin ng severe emotional distress si Herny dahil sa inabot na physical injuries.
bukod dito, hindi rin umano naituloy ni Henry, na isang opthalmologist, ang kanyang medical residency sa matagal na panahon at patuloy pang sumasailalim sa mga rehabilitasyon sa medical follow-ups.
sa statement ng Miss Universe Organization, nakasaad na: “To date, the Organization has not been served with, nor has it received, any lawsuit, claim, demand letter, or subpoena from Ms. Henry or anyone acting on her behalf. We are therefore not in a position to comment on claims we have not seen.”
======
Trending
- Heavyweight bout nina Fury at Joshua matutuloy na
- Atasha Muhlach, Jacob Ang iniintrigang break na
- Coco Martin ginawang artista ang businesswoman na si Pinky Tobiano
- Dating Miss Universe Jamaica nagsampa ng kaso sa pagkahulog sa entablado
- Rider utas sa nakasalubong na pickup
- BPAT member sugatan sa pamamaril
- Lalaki nagnakaw ng mga wire ng traffic light
- Pulis natagpuang patay sa gilid ng highway

