Binanatan ng direktor na si Darryl Yap ang aktres at dating Pinoy Big Brother (PBB) housemate na si Vivoree Esclito matapos nitong magpakawala ng tirada sa apat na babaeng senador.
Sa Instagram story ni Vivoree noong Martes, Mayo 12, ibinahagi niya ang larawan nina Sen. Imee Marcos, Sen. Pia Cayetano, Sen. Camille Villar habang nanunumpa si Sen. Loren Legarda bilang bagong luklok na Senate President Pro Tempore.
“I am all for empowering women, but not when these are the women in power. Nakakahiya kayo,” saad ni Vivoree sa text caption.
Ngunit sa isang Facebook post nitong Miyerkules, Mayo 13, tinanong ni Darryl si Vivoree kung ano raw ang nakakahiya sa pagpanig sa soberanya?
Aniya, “Ano ang nakakahiya sa pagpanig sa soberanya ng bansa Vivoree? Ano ang nakakahiya sa pagsasama-sama ng mga babae laban sa kabuktutan.”
“Himbis kasi mag-ahit ka ng bigote, ito ang inaatupag mo eh,” dugtong pa ni Darryl.
Matatandaang dating miyembro ng majority bloc sa Senado si Sen. Loren sa ilalim ng pamumuno ni noo’y Senate President Tito Sotto.
Ngunit nang maikasa ang kudeta sa Mataas na Kapulungan, lumipat sa kabilang bakod si Sen. Loren at inihalal na bagong Senate President si Sen. Alan Peter Cayetano.
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects
