Diretsahang ibinahagi ng aktres na si Cristine Reyes ang dahilan kung bakit hindi niya tinanggap ang mga alok na mag-endorse ng online gambling, kahit pa dalawang beses siyang inalukan nito.
Sa kanyang guesting sa “The B Side” ni Bianca Gonzalez, sinabi ng aktres na pareho lang ang kategorya ng mga naturang offer kaya agad niya itong tinanggihan.
“Well it was offered to me dalawang beses. ‘Yung first, ibang online gaming but anyway, it all falls under the same category,” pahayag ni Cristine.
Ikinuwento niya na may malalim na personal na dahilan ang kanyang desisyon, na nag-ugat sa mga karanasan at obserbasyon niya noong siya ay bata pa tungkol sa epekto ng pagsusugal sa mga pamilya.
“Hindi ko siya tinanggap kasi same reason pa rin. Because I remember noong bata ako, ‘yan ‘yung reklamo ng mga matatanda sa mga asawa nila na inuumaga sa mga sugalan,” dagdag niya.
Naalala rin niya ang isang malapit na personalidad sa kanilang pamilya na nakaranas ng biglang pagbagsak ng buhay dahil sa pagsusugal.
“Tapos I remember nung bata pa ko, mayroong isang artista na close sa family namin, nag-asawa ng sugarol. Super super super super yaman nila na hindi mo aakalain na maghihirap sila. Parang feeling ko tumatak sa akin ‘yun,” kuwento ng aktres.
Para kay Cristine, mahalagang isaalang-alang din ang impluwensya nito sa mas batang audience na maaaring ma-expose sa ganitong uri ng content.
“Kung gagawin ko ‘yung online gambling endorsement, kawawa naman ‘yung mga batang maaapektuhan,” giit niya.
Dahil dito, pinili niyang huwag iugnay ang sarili sa anumang endorsement na sa tingin niya ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa ibang tao, lalo na sa kabataan.
“Parang nakita ko ‘yun growing up. ‘Yun ‘yung reason ko, personal reason na sinabi ko sa management ko,” pagtatapos ng aktres.
====
Trending
- Ateneo pumalag sa ‘dangerous rumors’ laban sa men’s basketball team
- Pacquiao-Mayweather 2, postponed muna
- Cristine Reyes tumanggi mag-endorse ng online sugal
- Paolo Contis kinukulit si Aly Alday
- Coco nasasaktan sa bansag na ‘masungit’
- Hirit ni Jinggoy na pagsama-samahin mga kaso sa flood control tinabla ng Sandigan
- Juvenile council nanawagan ng rehab, mental health services para sa young offenders
- Mental health neglect itinurong dahilan ng karahasan sa mga eskuwelahan
