Nababahala ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pagtaas ng presensya ng mga Chinese militia at research vessel sa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
Ayon sa PCG spokesperson na si Rear Admiral Jay Tarriela, may limang Chinese research vessel ang namonitor sa lugar nitong nakaraang linggo, at patuloy na may tatlo hanggang apat na barko ang nakikita halos araw-araw.
Ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), kailangan ng prior consent mula sa Pilipinas para makagawa ng marine scientific research ang mga dayuhang barko sa loob ng EEZ.
Wala raw awtorisasyon ang mga Chinese vessel na namonitor ng PCG.
Nabanggit din ng PCG ang presensya ng Chinese militia vessels malapit sa Pag-asa Island at Escoda Shoal.
Nakita rin ang mga barko ng China sa isinagawang pagbisita ni Senator Kiko Pangilinan sa lugar.
Magpapatuloy ang pagpapalakas ng PCG sa mga patrol operations sa West Philippine Sea upang imonitor at harapin ang mga dayuhang barko sa loob ng EEZ ng bansa.
Trending
- Hidilyn Diaz target mag-aral sa Europe
- No-call kay Allen ng Cavs, pinagtibay ng NBA
- BINI, iikot sa US, Canada at Europe
- Rufa Mae, kasama ni JLC sa GMA sitcom
- Mister ni Ina, emosyunal sa graduation ng anak!
- Cloud seeding sa Angat Dam
- China sa WPS ikinabahala ng PCG
- Mga pahayag ng Simbahan, gabay sa publiko
