Batay sa report ng Bureau of Fire Protection (BFP) bago mag-alas-10 ng gabi nang sumiklab ang sunog sa residential area sa Magalang Streets, Barangay 145 Bagong Barrio, sa naturang lungsod na umabot sa ikalawang alarma.
Pasado alas-10:57 ng gabi nang dineklarang “fire under control” ang sunog at tuluyang naapula ng alas-11:20 na ng gabi kung saan natagpuan ng mga tauhan ng BFP ang bangkay ng biktima sa loob ng nasunog nilang Bahay.
Tinatayang nasa sampung kabahayan ang tinupok ng apoy na naging dahilan upang mawalan ng tirahan ang may 30 pamilya habang inaalam pa halaga ng ari-arian na naabo sa sunog.
Hinihinalang naiwanang nakasinding kandila na gamit ng nakatira sa bahay na pinagmulan ng apoy ang sanhi ng sunog bunga ng kawalan ng supply ng kuryente sa lugar dahil na rin sa nararanasang rotational brownout.
Pansamantalang nanunuluyan ang mga nasunugan sa Barangay Hall ng Bagong Barrio kung saan kaagad silang pinadalhan ni Mayor Along Malapitan ng pagkain, inuming tubig at mga pagunahing pangangailangan habang ang ilan naman ay sa kanilang kaanak muna nakitira.(Roger Panizal)
Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit. Ut elit tellus, luctus nec ullamcorper mattis, pulvinar dapibus leo.
