Naitala sa Calapan City sa Oriental Mindoro ang heat index na 44°C nitong Sabado ng hapon, Abril 11.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD), ang naturang heat index ay naitala sa Calapan City Public Market monitoring station.
Pasok ito sa “danger” classification na nangangahulugang posible ang heat cramps at heat exhaustion, maging ang heat stroke sa tuloy-tuloy na exposure o physical activity sa ilalim ng araw.
Dahil dito ay hinimok ang publiko na mag-ingat at iwasan ang mga outdoor activity kung hindi kailangan.
Trending
- PH Basketball Masters League aarangkada
- Ateneo de Davao magbibigay ng full scholarship sa 6 kapatid ni Baterbonia
- Anak nina Baron at Nadia, nasa showbiz na
- Carmina, balik-Kapamilya
- Uge, na-bash, nagkulong sa cabinet
- Pagmamay-ari sa NAIA Terminal 3 nalipat sa MIAA
- PhilSA nagbabala sa rocket debris ng Tsina sa Luzon
- China ‘nagnanakaw’ ng maritime data sa Bajo de Masinloc – NMC
