Naitala sa Calapan City sa Oriental Mindoro ang heat index na 44°C nitong Sabado ng hapon, Abril 11.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Department (CDRRMD), ang naturang heat index ay naitala sa Calapan City Public Market monitoring station.
Pasok ito sa “danger” classification na nangangahulugang posible ang heat cramps at heat exhaustion, maging ang heat stroke sa tuloy-tuloy na exposure o physical activity sa ilalim ng araw.
Dahil dito ay hinimok ang publiko na mag-ingat at iwasan ang mga outdoor activity kung hindi kailangan.
Trending
- Halos 1000 atleta, sasabak sa PH Athletic Championships
- Ama ni Divine Adili sumisigaw ng hustisya
- Nadine Samonte gigil sa ugali ng ilang flight attendants
- Kaye Abad nagpa-pink ribbon tattoo bilang simbolo ng pag-survive niya sa cancer
- Claudia pinapaalis apelyido ni Dennis Padilla
- Testimonya ng 18 ‘Maleta Boys’ hindi tatayo sa korte – Malacañang
- P50K sahod sa mga Pinoy nurse itinulak
- Chavit, nagpiyansa sa cyberlibel
