Matapos ang ilang linggong pagkaantala, inapubahan na rin ang naturalization ni Bennie Boatwright matapos aprubahan ang House Bill No. 6639 sa ikatlo at pinal na pagbasa sa special session nitong Miyerkoles.
Maliban kay Boatwright, inaprubahan din sa Senado ang House Bill No. 664 na nagbibigay ng Philippine citizenship sa wrestler na si Matthew James Ramos.
“Matthew and Bennie are world-class athletes who, despite the many opportunities and paths available to them elsewhere, have chosen to cast their lot with the Filipino people,” sabi ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan, sponsor ng panukala.
Si Boatwright, import ng San Miguel sa PBA, ay inaasahang magpapalakas sa Gilas Pilipinas pool at kakatawan sa bansa sa 2026 Asian Games sa taong ito.
Samantala, si Ramos, 25, ay opisyal nang kakatawan sa Pilipinas sa mga international competition na sanctioned ng Wrestling Association of the Philippines.
Nakatakda sana ang ikatlo at huling pagbasa sa parehong panukala noong Hunyo 1 subalit naudlot matapos umabsent sa sesyon ang grupo ni dating Senate President Alan Peter Cayetano.
Nitong Miyerkoles, Hunyo 17, nagtipon ang bagong majority group sa pamumuno ni Senate President Sherwin Gatchalian, na nagbigay daan para sa pagpasa na naturalization bills nina Boatwright at Ramos.
======
Trending
- Boatwright ganap ng Pinoy
- Rene Baterbonia sagad kung mangarap – Jess Evangelio
- Rita Avila, nabastusan kay Alex Gonzaga
- Melai, may hanash sa Senado
- Bea, lumutang sa socmed, dedma sa ‘cancelled wedding’
- Reklamo vs Recto , pinabubuhay sa Ombudsman
- Abalos, ibabalik-gobyerno ni PBBM
- PBBM, bukas sa oil deal sa Russia
