Siguradong isang mainit na pagsalubong ang naghihintay sa P-Pop girl group na BINI sa kanilang pagbabalik sa Pilipinas.
Isang resolution mula sa House of Representative ang isinulong ni Negros Occidental 3rd District Javi Benitez para kilalanin at parangalan ang nasabing all-female band sa naibigay nilang impact hindi lang para sa Pilipinas kundi sa buong mundo, kaugnay sa kanilang dalawang magkahiwalay na performance sa Coachella, sa US, na nag-trending.
Nakaposte ito sa IG mismo ng mambabatas na may poster ng BINI at sinasabi sa resolution.
“HOUSE RESOLUTION NO. 930. A resolution commending and congratulating the Pinoy Pop (P-pop) girl group, BINI, for making history as the First Filipino Pop Group to perform at the Coachella Valley Music and Arts Festival 2026, and recognising their contribution to the global promotion of Filipino talent and culture.”
Sabi naman ni Javi sa kanyang message caption.
“Our Nation’s Girl Group successfully brought the “Pantropiko” heat to the global mainstream!’
“We filed the House Resolution No. 930, officially commending the ‘Nation’s Girl Group,” BINI, for their groundbreaking performance at Coachella 2026. Their performances wasn’t just a win for the fans, it was a massive milestone for our creative industries and a masterclass in bringing OPM to the global stage. Congratulations!”
Bagama’t, magtatagal pa nang bahagya ang BINI para tumanggap ng karangalan sa Billboard Awards for Women, abangers na ang mga faney dito sa Pinas sa pagsalubong sa grupo, partikular na sa inaasahang parada.
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects
