Umuugong ngayon ang mga haka-haka ukol sa posibleng pagpasok sa politika ni James Carlos “Bimby” Aquino Yap Jr., anak nina Kris Aquino at James Yap.
Ito’y matapos umano siyang magparehistro bilang botante sa Tarlac City noong Lunes, Mayo 18, sa Tarlac City Convention Hall.
Lalong naging maugong ang mga usap-usapan sa buong lalawigan dahil sa personal na pagsama at pag-asiste sa kanya ni Tarlac City Mayor Susan Yap patungo sa tanggapan ng Comelec.
Ayon sa mga ulat at post ng ilang lokal na social media pages gaya ng Luid Tarlac, ito ang kauna-unahang pagkakataon na makakaboto ang 19-anyos na anak ng Queen of All Media na si Kris at ng basketbolistang si James para sa nalalapit na halalan.
Kasunod ng kanyang pagpaparehistro, mabilis ding kumalat ang mga hindi pa kumpirmadong balita na may planong tumakbo si Bimby para sa posisyon na Sangguniang Kabataan (SK) chairman sa Brgy. Central, Tarlac City.
Kung papalarin, bulung-bulungan din na target umano nito ang posisyon sa SK Federation.
Sa ngayon, wala pang opisyal na pahayag mula kay Bimby o sa kanyang kampo kaugnay ng mga nasabing espekulasyon.
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects
