Bimby Aquino is showing signs of interest in other fields.
Tila hindi lang siya hinuhubog sa larangan ng hosting or conducting interviews.
At hindi rin siya hinahasa sa pagkanta dahil may nadagdag na–at ano?
Boxing at mixed martial arts!
Pumalaot na nga si Bimby sa mundo ng palakasan, kung saan ang focus ay disiplina sa pangangatawan.
Sa ilalim ng pangangalaga ni Coach Dariel Diamante, sumabak si Bimby sa sparring session sa Kombat Sports Kalayaan na matatagpuan sa Makati City.
Ang naturang gym ay nag-flex ng ilang video clips taken during Bimby’s actual training.
Ayon sa caption nito: “Bimby putting in the rounds. Focused training with Coach Dariel Diamante at Kombat Sports Kalayaan.”
May ilang photos din showing Kris Aquino’s son training for mixed martial arts: “MMA training with Bimby and Pablo Guingona.”
A netizen with user name meyriyell shared a video on Instagram kung saan ka-sparring niya si Bimby.
Post ng naturang netizen: “Para akong ate na hindi makatanggi sa request ng kapatid..at para akong naisabak sa laban na walang bala…hindi pa ako trained for sparring, pero sige.”

Share.