Nagtipon ang mga barangay captain sa Davao at volunteer lawyers sa bahay ni dating pangulong Rodrigo Duterte sa Doña Luisa Subdivision sa Davao City, na tanging kasambahay lamang umano ang tumatao ngayon.
Ito ay upang bantayan ang bahay laban sa beripikado umanong ulat na pagsisilbi ng search warrant ng mga pulis.
Nabatid na 24 oras na mananatili ang vigil ng mga Duterte supporter sa bahay ng dating pangulo.
Samantala, sinabi ng deputy mayor ng Maranao na isang malaking peace rally ang isasagawa nila sa Liwasang Bonifacio sa Sabado, na inaasahang dadaluhan ng 500,000 na Duterte supporter.
Trending
- Testimonya ng 18 ‘Maleta Boys’ hindi tatayo sa korte – Malacañang
- P50K sahod sa mga Pinoy nurse itinulak
- Chavit, nagpiyansa sa cyberlibel
- Ombudsman nais ng individual affidavits mula sa 18 ex-bodyguard ni Zaldy Co
- Oil price rollback, nakaumang sa sunod na linggo
- PBBM sa mga Pilipino: Tularan ang kabayanihan ng mga bayani
- 8 wanted arestado sa Caloocan City
- EL NINO HANGGANG ENERO

