Nanatiling tikom ang bibig ni Bela Padilla tungkol sa napapabalitang lamat sa dating solid na samahan nila nina Kim Chiu at Angelica Panganiban.
Muling natanong ang aktres tungkol sa isyu matapos mapansin ng mga netizen na hindi na tulad dati ang pagsasama at social media interactions ng tinaguriang “AngBeKi” na binuo nina Angelica, Bela at Kim.
Matagal nang pinag-uusapan online ang umano’y paglayo nina Kim at Angelica kay Bela.
May mga nag-uugnay naman nito sa naging pagbanggit ni Bela sa “Fast Talk with Boy Abunda” tungkol sa pag-freeze ni Kim ng kanyang egg cells.
Lalo pang naging palaisipan sa mga netizen ang pagbabago sa kanilang social media activity matapos mapansin na hindi na gaanong nagkakasama o nagkaka-interact online ang tatlo.
May mga pagkakataon din umanong hindi na nagkaroon ng public exchange ng birthday greetings sina Bela at Kim, habang nakikita pa rin naman ang pakikipagpalitan ng mensahe ni Kim kay Angelica.
Dahil dito, hindi na napigilan ng mga Marites ang kanilang mga haka-haka tungkol sa tunay na estado ng friendship ng tatlong aktres.
Pero kung si Bela ang tatanungin, mukhang hindi pa siya handang magbigay ng kahit anong paliwanag.
Sa presscon ng bago niyang pelikula kasama si Maricel Soriano, ang “Life After You,” ay diretsahang tinanong si Bela kung maaari na ba niyang pag-usapan ang isyu nila nina Kim at Angelica para matapos na ang mga espekulasyon.
Maayos ngunit malinaw ang sagot ng aktres: “I won’t talk about it muna. Thank you.”
Kaya naman hanggang ngayon, nananatiling misteryo kung ano talaga ang nangyari sa dating inseparable trio at kung may pag-asa pa bang muling makita ang “AngBeKi” na magkakasama.
====
Trending
- Eala sasabak sa US Open
- Yulo brothers handa na para sa Asian Games sa Nagoya
- Edward Barber engaged na
- Bela Padilla tikom bibig sa isyung alitan kay Kim Chiu, Angelica Panganiban
- ‘DOTA O Ako’ singer Vanessa Blanca nasawi sa aksidente
- Rep. Cendaña target kasuhan gumawa, nagpakalat ng mapanlait na caricature
- 88 lugar isinailalim sa state of calamity sa Habagat, Luis at Maymay
- Bagong schedule ng impeachment trial, aprub sa Senado
