Arestado ang isang babae nang mahulihan ng P698, 660.00 halaga ng substandard na sangkap at pampalasa sa pagluluto sa bayan ng Paombong noong Abril 7.
Sa ulat na nakarating kay PBGEN Robert Morico II, Director ng CIDG, kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Merry”, nasa hustong gulang.
Ayon sa ulat, ikinasa ang operasyon ng CIDG Anti-Fraud and Commercial Crimes Unit na may koordinasyon sa mga pulis na nakatalaga sa lugar 9:30 ng gabi sa Brgy. San Jose.
Nabatid na nahuli si alyas “Merry” na aktong nagbebenta ng sangkap at  mga pampalasa sa pagluluto na hindi rehistrado sa mga awtoridad at tuwirang paglabag sa Republic Act No.9711 (Food and Drugs Administration Act of 2009) and Republic Act No. 7394 (Consumer Act of the Philippines).
Nasamsam ang mga kahon ng substandard cooking oil, vinegar at fish sauce na may halagang P698,660.00 sa suspek na nahaharap sa nasabing kaso habang nasa kustodiya ng naturang yunit.

Share.
Exit mobile version