Bukod sa seremonyang magaganap sa St. Peter the Apostle Parish Church sa Paco Manila ay may kasalan ding mangyayari kina Bea Alonzo at Vincent Co sa Spain.
Una nang pumutok ang kanilang marriage bann–na hindi masasabing kagulat-gulat dahil last year pa pinag-uusapan ang kanilang wedding plans.
Pero wala itong kumpirmasyon.
March 8 nang ilabas ng simbahan ang marriage bann.
Three consecutive weeks itong inaanunsyo–so, ang susunod ay sa March 15 at March 22.
May mga ispekulasyon na very likely ay mauuna ang church wedding.
Ang wedding naman sa Spain–kung saan parehong may property doon ang couple–ay either May or June.
Kung matatandaan, nag-shoot ng pictorial for a product si Bea sa Andalucia, Spain last year.
Balitang ‘yun daw ang wedding venue dahil sa napakagandang ambience nito.
All this is unconfirmed though.
Hintayin na lang pag gumulong na ang promo for Bea’s upcoming GMA series.
Trending
- Target ng NU men ang six-peat
- Albert delos Santos nakamit ang ginto sa IWF Worlds
- Lovi Poe pasabog sa Hollywood
- Kim Chiu panalo pang-aakit kay Epy Quizon
- Joshua Garcia nag-hello ang pubic hair?
- Mag-asawa, arestado sa online exploitation
- Mag-asawa, arestado sa online exploitation sa 11-anyos
- Mayon patuloy sa pagbuga ng lava
