Isang kilalang politiko umano ang tumulong sa pagtakas ni Senador Bato dela Rosa, ayon sa source ni veteran columnist Ramon “Mon” Tulfo.
Sa kanyang Facebook post nitong Sabado, inihayag ni Tulfo na sumakay si Dela Rosa sa yate matapos samahan ni Senador Robin Padilla na lumabas ng Senado noong Mayo 14.
“From the Senate, dumiretso sila ni Sen. Robin Padilla sa Manila Yacht Club kung saan sumakay sila ng yate ng nasabing politician na pumalaot patungong Batangas,” aniya.
“Ang yate ay may pangalang “masarap na buhay” sa salitang English, ani tweety bird,” dagdag pa ni Tulfo.
Bukod pa rito, sumakay naman umano si Dela Rosa ng chopper para bumiyahe patungong Mindanao.
“Pagdating ng Batangas ay nag-chopper si “Batman” patungong Mindanao, pero di na niya kasama si Robin, sabi ng tweet-tweet,” ayon pa kay Tulfo.
Kasunod ito ng insidente ng putukan sa Senado noong Mayo 13 at sa gitna ng umiiral na arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC) laban kay Dela Rosa.

Share.