Magkaugnay ang naganap na putukan ng baril sa loob ng Senado at pagpapatakas kay Sen. Ronald Dela Rosa batay sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).
Ito ang inihayag ni MGen Robert A. Morico, Director ng CIDG, base sa kanilang isinagawang imbestigasyon.
“Let me just say you know two incidents, they are related but the investigation is already with the Department of Justice (DOJ) and I do not want to preempt ‘yung findings ng DOJ,” pahayag ni Morico.
Ayon kay Morico, bumabatay ang CIDG sa mga katotohanan at ebidensiya kanilang nakokoleta sa pagsasagawa ng imbestigasyon sa naganap na insidente.
“Well ang CIDG kasi we base our findings sa facts na nakokolekta namin. Evidence-based po tayo palagi so we treat different ‘yung cases kasi based on facts we treat it as different. We investigated the Senate shooting then separate rin ‘yung pag-escape,” paliwanag ni Morico.
Tumanggi naman si Morico na magbigay ng conclusion kung mayroon kaugnayan ang pagtakas  ni Sen. Dela Rosa at ipinauubayan na lang ito sa DOJ matapos na maisumite ang kanilang  imbestigasyon.  
‘To make conclusions, we have already turned over the case sa Department of Justice. The CIDG is relegated to investigative support, whatever ang requirement need ng DOJ we will be acting on it and yung conclusions is I cannot reveal right now but ongoing pa po kasi ang investigation,” ani ni Morico.
Nauna dito, nirekomenda ng CIDG ang pagsasampa ng kaso laban kay suspended Office of the Sergeant of Arms ret Maj Mao Aplasca at 2 nitong tauhan kaugnay nang naganap na putukan sa loob ng gusali ng Senado noong May 13,2026.
Ayon kay Morico, very clear naman sa investigation natin na “there was no attack sa Senate, wala pong intent. In fact, if there is really perceived na attack na ongoing you can ask the OSAA bakit nila inabandon yung lugar after na magkaroon ng shooting.
Inirekomenda ng CIDG ang pagsasampa ng kasong paglabag sa Rules of Engagement Section 255 ng  IRR ng Republic Act NO 11917 or Private Security Service Industry Act kay Aplasca at 2 tauhan nito sina Charlie Montilla at Joemil L. Ledesman na nagpaputok ng kanilang mga baril  base sa mga kuha ng mga CCTV ng Senado.
Samantala, sa pagtakas ni Dela Rosa lumalabas sa imbestigasyon na “highly coordinated at pre-planned logistic maneuver” upang matiyak na makalabas at  ng Senado ang nasabing Senador.
Inirekomenda na rin ng CIDG ang pagsasampa ng kasong “obstruction of justice” laban kay Sen. Robin Padilla, babae staff nito at 4 pa iba.

Share.
Exit mobile version