KINUMPIRMA ng Southern Police District (SPD), na generally peaceful at walang untoward incident sa kabuuang sa mga lugar na kanilang jurisdiction kung saan idinaos ang Bar Examinations.
Ayon kay PBGen. Rodel A Pastor, District Director ng Southern Police District (SPD) may kabuuang 403 PNP personnel, ang nakadeploy sa mga lugar na kanilang area of responsibility sa panahon ng Bar Examination kung saan may kabuuang 2,704 examinees na kumuha ng Bar Examination mula September 6, 9, at 13, 2026.
Kabilang na dito ang Ateneo de Manila University, School of Law sa Makati /Quezon City area,
Manila Adventist College sa Pasay City,University of the Philippines Bonifacio Global City sa Taguig, at San Beda College Alabang sa Muntinlupa City.
Sinabi ni Pastor na sa pamamagitan ng mga nakadeploy ng police personnel ay pinapanatili nito ang police visibility, at sinusubaybayan ang seguridad, kapayapaan at kaayusan sa trapiko sa loob at paligid ng mga examination center.
Napanatili din nito ang malapit na koordinasyon sa Security Head ng Bar Examinations 2026 at iba pang mga concerned personnel sa buong panahon ng pagsusulit.(Gina Garcia)
Trending
- GULO SA RESORT : PCG SABIT
- Malabon City : “Handog ng Pangulo 2026 Serbisyong Tapat Para Sa Lahat”
- Babaeng pasahero mula Doha Qatar hinarang sa NAIA terminal 3.
- Bar examination nairaos nang tahimik
- TAMBAY NANGGULO, DINAKMA NG PARAK
- PBBM : NAMAHAGI NG 333 HOUSING UNITS
- JOB FAIR NG LGU-MALABON DINUMOG
- “Kakarong De-Sili, Pandi” ginawaran

