Parang wrong timing ang muling pagsulpot ni Yen Santos lately.
Nasa kasagsagan ng balita ang aktres nang mapabalitang karelasyon ni Paolo Contis.
Yen came into Paolo’s life noong nagkakaproblema ito sa kanilang relasyon ni LJ Reyes.
Matagal ding pinag-usapan ang relasyong Yen-Paolo, pero natuldukan at natuldukan ito nang wala sa kanila ang umaamin.
Ang latest, isang entertainment site ang nagbalandra ng pag-amin ni Yen na may love child sila ni Albert Martinez noong teenager pa siya.
Ipinapanawagan ng vlogger cum talent manager na si Ogie Diaz na fake news ang sinasabing “shocking” revelation ni Yen sa Fame Chronicles.
Naglabas ng art card si Ogie brazenly calling it fake news, hence hindi dapat paniwalaan.
Of late nga, Yen resurfaced only to flaunt her fitness journey.
Malaki-laki ring timbang ang nabawas sa aktres.
When asked to comment in his radio interview, tumanggi si Paolo dahil mas naka-focus daw siya sa kanyang showbiz work.
Sa inilabas ng Fame Chronicles, makikitang may larawan sina Yen at Albert na magkayakap.
May litrato rin ang umano’y love child nila na nasa kandungan ng aktor.
Trending
- Carlo Biado tutumbok sa World 9-Ball tourney
- Robert Bolick, NLEX pag-eempakehin ROS
- Robert Bolick, NLEX pag-eempakehin ROS
- Pacquiao sobrang bilis ng kamay, footwork
- Bossing, nagpaliwanag sa sinabi kay Vico
- Sue makatrabaho si Bea
- Magnolia players nakatanggap ng death threats
- Carlos Yulo gold sa Asian Gymnastics Championships