Naaresto ng mga awtoridad ang isang lalaki na pumasok at pagnakawan ang tahanan ng isang police officer sa AFP/PNP Housing, Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan kamakalawa.
Batay sa ulat ni PLt. Colonel Gilber Caole Diaz, hepe ng Bocaue MPS, kinilala ang arestadong suspek na isang 32 taong gulang na lalaki at residente rin ng AFP/PNP Housing, Brgy. Batia, Bocaue, Bulacan.
Ayon sa imbestigasyon, natuklasan ng biktima na nasira ang doorknob ng kanyang tahanan at nawawala ang isang tablet na nagkakahalaga ng Php 7,000 at humigit-kumulang Php 10,000 cash. 
 
Sa pagsusuri ng CCTV footage, nakita ng biktima ang suspek na pumasok at lumabas sa kanyang bahay habang dala ang tablet.
Matapos magsagawa ng pagtatanong sa mga residente at matukoy ang tirahan ng suspek, hinanap ito ng biktima at naibalik ang ninakaw na tablet. 
 
Agad na inaresto ang suspek at dinala sa Bocaue MPS para sa kaukulang dokumentasyon at disposisyon.
Ang suspek ay isinailalim sa physical examination, habang inihahanda ang kasong ‘Robbery’ na  isasampa sa Office of the Provincial Prosecutor sa Malolos City, Bulacan.(DGravador)
Share.
Exit mobile version