Patuloy na umiiral ang Habagat (Southwest Monsoon) na nagdadala ng malalakas na pag-ulan sa malaking bahagi ng Luzon at ilang lugar sa Visayas, ayon sa DOST-PAGASA.

Sa Metro Manila, maulap ang kalangitan na may bahagya hanggang katamtamang pag-ulan at paminsan-minsang malakas na buhos.

Posibleng magkaroon ng pagbaha sa mabababang lugar.

Malalakas na ulan sa Ilocos Region, Cordillera, Zambales, Bataan, Pampanga, at mga kalapit na probinsya.

May panganib sa  flash floods at landslides sa bulubunduking lugar.

Katamtaman hanggang maalon ang dagat sa kanlurang baybayin.

Sa Western Visayas at Negros Island Region, asahan ang maulap na kalangitan na may kalat-kalat na ulan at pagkulog-pagkidlat.

Sa ibang bahagi ng Visayas, paminsan-minsang pag-ulan lamang.

Sa Mindanao, bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may localized thunderstorms.

Posibleng pagbaha at landslide sa matitinding thunderstorm.

Iwasan ang paglalayag sa kanlurang bahagi ng Luzon dahil sa moderate to rough seas.

Magdala ng payong at mag-monitor ng susunod na bulletin ng PAGASA ngayong araw. (Amanda Pinedaa)

Share.
Exit mobile version