Bukod sa pagkontrol sa pagbaha, plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na gamitin din ang maiipong tubig sa proposed detention basin malapit sa Manila Bay para sa pangangailangan ng Rizal Park.
Ayon kay DPWH Secretary Vince Dizon, iminungkahi ng National Parks Development Committee na i-recycle ang maiipong tubig-baha upang magamit sa pagdidilig at iba pang pangangailangan ng parke.
Aniya, makatutulong ito upang mabawasan ang konsumo ng tubig sa Rizal Park sa gitna ng lumalaking demand sa suplay ng tubig sa Metro Manila.
Target ng DPWH na simulan sa 2027, kung mapopondohan, ang pagtatayo ng detention basins sa Rizal Park at Quirino Grandstand.
Inaasahang makatutulong ang mga pasilidad upang maibsan ang pagbaha sa Ermita, Malate at Paco sa Maynila.
====
Trending
- Angelica at Mark Andrew Yulo, may AI video sa simbahan; ‘pang-asar’ kina Carlos at Chloe?
- Dahil kay Alex Eala: PSC magtatayo ng mga tennis training center
- Beauty, nagpaka-hot sa amasona peg
- Bela, na-hold sa airport
- Albie imbiyerna kay Romualdez!
- 87% Pinoy kumpiyansang makaiwas sa scam, pero 76% takot pa rin
- PhilHealth saklaw ang hospital stay na walang 24 oras
- Kahit anong government ID sa payout ng pension
