Dead on arrival ang 49-anyos na angkas ng isang motorsiklo nang sumabit sa isang nakalaylay na kable sa Legazpi City, Albay.
Ayon sa mga ulat, minamanaheo ng 50-anyos na driver ang motorsiklong sinasakyan ng biktima nang bigla nilang magsemplang nang sumabit sa kableng nakalaylay pala sa daan.
Mabilis namang umaksyon ang emergency response team sa naturang lugar upang matulungan sila subalit hindi na umabot nang buhay ang biktima. Kasalukuyan namang nagpapagaling sa ospital ang driver ng motorsiklo.
Ayon sa mga awtoridad, nagpapatuloy pa rin ang kanilang operasyon upang matanggal ang spaghetti wires sa kanilang lokalidad, lalo na ang mga kableng lumalaylay sa main road.
Napag-alaman ding noon lamang nakaraang linggo nang mapaulat na isa pang rider ang naaksidente dahil pa rin sa pagsabit sa nakalaylay na kable sa kalsada.
Maswerte umano nakaligtas ito sa naturang aksidente sa agarang pagdating ng emergency response team sa kaparehong lugar.
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects
