May bago na namang kinagigiliwan sa telebisyon at social media, ha!
Yes, agaw-eksena na naman palagi ang all-female dance group Baby Dolls!
Binubuo ito ng seven-member group na kinabibilingan nga nina Arianne Dela Cruz, Chole Florendo, Johaira Moris, Juby Sabino, Jelai Ahamil, Eriel Reyes, Ina Ortega, na nagmula sa mga segment ng ‘It’s Showtime’ na ‘Girl on Fire’ at ‘Sexy Babe’.
Inilabas ng StarPop ang debut EP ng grupo na humugot ng inspirasyon sa fitness routines, araw-araw na glow-ups, at feel-good moments para hikayatin ang mga listener tungo sa wellness at maghatid ng positive energy.
Nagsisilbing key track nito ang ‘Ikembot Mo’” isang nakakaindak na kanta na talaga namang maghahatid ng kumpiyansa at saya.
Isinulat at prinodyus ito ni Christian Martinez, inareglo ni Albert Tamayo, at pinangunahan ni StarPop label head Roque ‘Rox’ Santos bilang supervising producer.
Kasama rin sa EP ang mga awiting ‘Clap Clap Clap Alright’, ‘Kitang Kita’, ‘Oooh Lala Baby’, ‘Dulce Tirah Tirah’.
Abangan ang Baby Dolls sa ‘It’s Showtime’ at pakinggan ang kanilang ‘ZoomBaby Dolls’ EP sa iba’t ibang streaming platforms.
Ay, sila na ba ang ipantatapat sa BINI? Kumakanta at sumasayaw rin sila, ha!
