Binalikan ni Awra Briguela ang kanyang nagawang pagkakamali may tatlong taon na ang nakakaraan kung saan humantong pa siya sa kulungan.

Sa kanyang mahabang post sa Instagram, sinabi ni Awra na tatlong taon na ang nakakaraan mula nang masangkot siya sa kontrobersya.

“Mahigit tatlong taon na ang lumipas pero hanggang ngayon pakiramdam ko hindi nyo pa rin ako pinapakawalan sa pagkakamalingnagawa ko noon,” bahagi ng mensahe ni Awra.

Aniya, batid niyang hindi madaling makalimot at magpatawad dahil maging sarili niya ay nahirapan siyang patawarin.

Paliwanag pa ni Awra, 19 na taon pa lamang siya nang masangkot sa kontrobersya at marami pang maling desisyon, at maling nagagawa.

Aniya pa, hinarap niya ang kasong kinsangkutan hanggang ito’y madismis at humingi siya ng tawad sa mga taong kanyang nasaktan.

“Hanggang ngayon hindi ko maintindihan kung bakit parang habang-buhay na lang akong ikukulong sa isang pagkakamaling matagal ko nang inako.

“Tao lang din ako. Nagkakamali ang tao at naniniwala akong may karapatan din itong matuto at magbago,” sey pa ni Awra.

Dagdag pa niya, sobrang dami niyang natutunan sa nangyari at hiniling na bigyan siya ng pagkakataong ipakita na siya ay natuto, nagbago at bumangon.

“Sana bigyan nyo ako ng pagkakataong patuloy na ipakita ang taong pinili kong maging pagkatapos ng lahat ng iyon. Dahil naniniwala akong ang isang tao ay hindi dapat habambuhay na husgahan sa pinakamasama niyang nagawa kundi sa kung paano siya bumangon, natuto at nagbago pagkatapos nito,” pahayag pa ni Awra.
======

Share.
Exit mobile version