Itinuwid ni Ate Gay aka Gil Aducal Morales ang naiulat na cancer free na siya.
Marami nga ang natuwa sa latest chika na ligtas na sa sakit na `yon si Ate Gay. Pero, naiulat din kamakailan na may tumubong bukol ulit sa kanyang leeg, pero naagapan naman daw ito agad-agad.
Anyway, galing na mismo kay Ate Gay na hindi pa siya ligtas sa cancer, at patuloy pa rin ang gamutan niya.
“’Di pa po ako Cancer Free…nagsa-Cyberknife pa po ako at immuno therapy… But malakas na ako at nagkakalaman na ang aking pangangatawan…
“Ang bongga ng Cyberknife kasi Ang 35 times kong radiation, sa kanya 5 times lang.
“Salamat Lord Jesus sa pang araw-araw na buhay. Napakasaya ko kapiling ang mga katrabaho, pamilya at madlang dabarkads.
“Salamat sa mga Anghel ko na patuloy ang paggabay sa akin…” pahayag ni Ate Gay.
Anyway, malapit na ang birthday ni Ate Gay, at hiling nga ng marami, na tuluyan na siyang gumaling.
At nakakatuwa rin naman makita na nagi-enjoy na ulit siyang mag-perform.
“Ang sarap kumanta,” pahayag pa ni Ate Gay, na kitang-kita nga kung paano siya palakpakan ng mga manonood sa mga bar na pinagpi-perform-an niya.
Kuwelang-kuwela naman kasi ang ‘mashup’ niya na kapag marinig mo ang salitang ‘maliiiii’ ay matatawa ka na lang talaga.
Bongga ka, Ate Gay. Laban lang! Pagaling ka!
Trending
- Victor Wembanyama, pumirma ng $252-M rookie max extension
- Joshua Pacio, naselyuhan ang ONE Strawweight MMA world title
- Housemates sa Bahay ni Kuya, nagsama sa isang pelikula
- Elisse Joson tinawanan akusasyong kabit ng politiko
- Ate Gay ‘di pa cancer free, sumalang sa cyberknife
- Pinoy ‘guilty’ sa pagpatay sa misis na Pinay sa US
- Sakahan winasak ng rumaragasang flash flood
- Matibag inimbita ng FBI
