Pinahanga ni actress-TV host Atasha Muhlach ang netizens at kapwa celebrities matapos ipasilip ang kanyang lean body at toned abs kasunod ng ilang buwang strength training.
Sa kanyang Instagram post nitong Marso 24, ibinahagi ni Atasha ang mga larawan mula sa isang photoshoot para sa brand campaign, kasabay ng pagbabalik-tanaw sa kanyang fitness journey.
Ayon sa dalaga, nagsimula ang lahat sa panahong hindi siya makalakad dahil sa foot injury.
“I started with what I could control which was my diet… focusing on healthy food,” ani Atasha.
Unti-unti umano siyang bumangon at nagsimulang mag-ensayo sa tulong ng kanyang fitness coach na si Arnold Aninion.
“Slowly, I worked my way back and began strength training… thank you for bringing back fitness into my life,” dagdag pa niya.
Para kay Atasha, ang dating pagsubok ay naging inspirasyon upang mas pagbutihin ang kanyang sarili.
“What felt like a challenge turned into a blessing. It gave me a purpose during my recovery,” saad niya.
Ibinahagi rin ng aktres na tila isang “pinch me moment” ang maging bahagi ng naturang campaign, na dati ay pinapangarap lamang niyang mapabilang.
“After endless hours in the gym, months of discipline… here we are,” ani niya.
Hindi rin napigilan ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa industriya ang paghanga sa kanyang transformation.
Kabilang sa nagbigay ng papuri sina Aga Muhlach, Charlene Gonzalez, Andres Muhlach, Anne Curtis, Kim Molina, at Kakai Bautista.
Trending
- Daniel Padilla kasama buong pamilya ni Kaila Estrada
- Alvin Aragon gusto patalsikin si Boy Abunda
- Atasha Muhlach pinagkalandakan ang abs
- Carlos Yulo may sweet na pagbati kay Chloe San Jose
- Alex Eala nanatiling kalmado nang matalo sa Miami Open
- Carlos, hinulaang talo sa 2028 LA Olympics
- Airport fees tatapyasan simula Abril – DOTr
- Gobyerno palalakasin industriya ng semiconductors, electronics sa bansa

