Para na ding kinumpirma ni Ashley Ortega ang relasyon sa pagitan nina Kathryn Bernardo at Lucena City Mayor Mark Alcala.
Si Mark ay dating nobyo ni Ashley mula 2020 hanggang bago mag-2022 pero kinumpirma lang niya noong March 2023.
Tulad ng alam ng lahat, si Mavy Legaspi ang karelasyon ngayon ni Ashley.
Sa kanyang guesting sa Fast Talk with Boy Abunda, nahingan ang Kapuso actress ng reaksyon tungkol kina Kathryn at Mark.
“Si Kathryn kasi, l idolize her kasi as an actress. Parang wow, ang suwerte naman ni Mark, nakakuha siya ng Kathryn Bernardo! I’m happy for both of them!” ani Ashley.
Taon na din daw ang binilang since she and Mark broke up.
“Finally, nakahanap siya ng decent girl!” sey pa niya.
What happened daw sa kanila ni Mark wasn’t a bad breakup, it’s just mula nang mag-split sila’y wala na silang komunikasyon.
Pero nilinaw din ni Ashley that she and Mark are not friends either.
Magpansinan kaya sila pag nagkrus ang kanilang landas kasama ang kani-kanilang respective partners?
Trending
- SEN. JINGGOY SUMUKO SA PNP-CIDG
- PNVF sususpindehin ng POC
- Spurs pinatalsik Oklahoma, pasok sa NBA Finals
- Ashley, nilaglag ang relsyong Kathryn-Mark
- Ken, may trabaho sa Thailand?
- Kiray, may pa-contest sa gender ng baby
- International scholarships para sa guro palalawigin ng DepEd
- Negosasyon sa ASEAN digital economy framework agreement, natapos na
