Matagumpay na isinagawa ang Masikhay Gambit FIDE Rated Rapid Chess Tournament na ginanap sa The Shoppes sa Mc Kinley West sa Taguig City nitong Sabado ng Gabi.
Nakopo ni Kevin Arquero ang titulo sa Open division na may 6.0 puntos sa pitong laro.
Nasa 2nd -3rd place sina Stephen Manzanero at Eljon Balala na may tig 5.5 puntos.
 
Magkasalo 4th-7th place na na tig 5.0 puntos si Antonio Chavez Jr., Marquis Angelo Mallorca, Kristin Glen Abuton, at Salvador Adonis Vi Layague Abeto.
8th -9th place na may tig 4.5 puntos sina Raquel Suan at Noel Geronimo.
Si Carlo Magno Rosaupan ang kumuha ng 10th place na may pinakamataas na tie break sa grupo ng 4.0 puntos.
 
Si Lexie Grace Hernandez ay nakaipon ng 6.0 puntos para magkampeon sa Junior Division , 20 years old and below habang si Rhoven Roi Castil ay nakaipon ng 6.0 puntos para maghari sa kiddies division, 14 years old and below.
Ang 1-day event ay punong abala ang PMA Masikhay Class of 1999-Army Group na sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines, at rapid rated rating ng World Chess Federation (FIDE).
Samantala ay susulong na ang 21st Asian Xiangqi Championship sa October 2-7,2026 sa Manila Hotel.
Si Engr. Asi Ching, na isang International Grandmaster at si Mr. Manuel Tan, isang International Master ang pambato ng bansa ayon kay Xiangqi Master o Chinese Chess Master Jackson Hong.(Marlon Bernardino)
Share.
Exit mobile version