Super kilig ang netizens nang ibinahagi ng aktres na si Anne Curtis ang date nila ni Erwan Heussaff.
“Date night,” simpleng caption ni Anne sa kaniyang Instagram post nang mag-bebe time sila ni Erwan sa Iai Manila.
Hindi bago ang pagiging ‘expensive’ tingnan ng dalawa dahil sa kanilang ‘face card’. Mukha ring happy ang mag-asawa at na-enjoy ang Japanese foods.
Humanga at nagbiro naman ang netizens sa nasabing post.
“Love how Anne manages her time. Time with friends, with Dahlia & with hubby,” komento ng isa.
“Uyy, asawa ni Anne Cortis oh,” biro ng isa.
“si dahlia po nagpicture?” pabirong komento ng netizen.
“Ang saya na makita kang masaya Ate Anne with your forevErwan!” sey ng isa pa.
