Call it academic milestone for Angeline Quinto.
Sa wakas, nakamit na ng singer-actress ang kanyang pangarap na makapagtapos ng college.
Ito kasi ang pangako ni Angeline sa kanyang yumaong inang si Mama Bob.
Nitong June 16, nag-attend ang singer ng graduation ceremony sa Immaculada Concepcion College sa Caloocan City.
She finished Bachelor of Science in Business Administration major in Marketing Management.
Finlex ni Angeline sa social media ang kanyang graduation photo kalakip ng message of gratitude.
Binalikan ng singer ang mga pinagdaanang challenges bago makuha ang kanyang diploma.
Aniya, kinaya niyang maitawid ang kanyang college studies “sa kabila ng puyat at pagod kasabay ng pagiging nanay ko kina Sylvio at Sylvia, kasabay ng mga shows, music events, out of town and out of the country, shoot ng series.”
Inialay din niya ang kanyang pagtatapos kay Mama Bob, na tinawag niyang “my angel in heaven.”
Noong March 2026, nabanggit ni Angeline na palihim niyang ipinagpapatuloy ang kanyang pag-aaral para sorpresahin ang pamilya niya.
Angeline is busy prepping up for her 15th anniversary concert titled Aquinse at the Araneta Coliseum on August 22.
=====
Trending
- Eala pinataob si Oliynykova; Top 15 target
- Lanao del Norte magho-host ng unang Mindanao Youth Games
- Catriona, may advice sa pagmu-move on!
- Archie, hinampas ng tumbler ang misis!
- Sarah G, buntis na!
- Sasakyang gumamit ng EDSA Busway, pag-aari ng Torre
- Jinggoy tumangging maghain ng plea sa plunder, graft
- WALANG PASOK SA ISKUL SA NCR AT 16 PROBINSIYA
