Patuloy ang pag-akyat ng water level sa Angat Dam sa Bulacan na ngayon ay halos sumampa na sa 190 meters, malayo na sa minimum operating level nitong 180 meters.
Ayon sa PAGASA, naitala sa 189.9 meters ang water level ng Angat Dam (as of 8 a.m. kahapon) ay tumaas ng 1.15 meters mula sa dating 188.75 meters.
Ang kasalukuyang water level nito ay189.9 meters at ang itinaas ay +1.15 meters sa minimum operating level na 180 meters
Higit 90% ng potable water needs ng Metro Manila ay nagmumula sa Angat Dam at bukod dito, kritikal din ang reservoir para sa irigasyon ng mga sakahan sa Central Luzon; power generation para sa Luzon grid; at domestic water supply ng Kalakhang Maynila
Samantala, may ibang dams ang nagbawas at may bahagyang tumaas ang water level na dulot ng ulang dala ng Habagat.
Upang kontrolin ang tubig, nagbukas naman ng spillway gates ang ilang dam upang mag-discharge tulad ng Ipo Dam (Bulacan) na ang reservoir elevation ay bumaba nang 7 cm; Ambuklao Dam (Benguet) na nag-discharge nang 27 cm; Binga Dam (Benguet) na nag-discharge nang 49 cm
Samantala, bahagyang pagtaas naman ang naitala sa San Roque Dam: +64 cm; Pantabangan Dam: +52 cm; Magat Dam: +23 cm
Bumaba naman nang bahagya ang La Mesa Dam sa Quezon City mula 79.86 meters patungong 79.59 meters.
Dahil lagpas na sa critical minimum operating level ang Angat, mas kampante ngayon ang sitwasyon ng tubig para sa mga residente ng Kamaynilaan at mga magsasaka sa Gitnang Luzon.
Gayunpaman, tuloy-tuloy pa rin ang pagbabantay ng PAGASA depende sa magiging buhos ng ulan at dam operations.(Danilo Gravador)
