Literal na hindi nagpahuli ang aktres na si Andrea Brillantes nang manguna sa ‘The 100 Most Beautiful Faces of 2024’ ng pamosong TC Candler.
Tinanghal si Andrea bilang Most Beautiful Face ngayong taon. Pumangalawa si Jisoo ng K-Pop girl group na Blackpink at sumunod ang Canadian chess player na si Andrea Botez.
Samantala, pasok sa Top 50 sina Janine Gutierrez na nasa ika-28 puwesto at Liza Soberano ika-31 puwesto.
Pasok din sina Belle Mariano na nasa ika-52 puwesto, Ivana Alawi sa ika-69 puwesto, Gehlee Danca ng K-Pop girl group na UNIS sa ika-82 puwesto, at Aiah Arceta ng P-Pop girl group na BINI sa ika-88 puwesto.
Ang TC Candler kasama ang ‘Independent Critics’ ay nagtatampok na ng listahan ng Most Beautiful Faces simula taong 1990.

Super kilig ang netizens nang ibinahagi ng aktres na si Anne Curtis ang date nila ni Erwan Heussaff.
“Date night,” simpleng caption ni Anne sa kaniyang Instagram post nang mag-bebe time sila ni Erwan sa Iai Manila.
Hindi bago ang pagiging ‘expensive’ tingnan ng dalawa dahil sa kanilang ‘face card’. Mukha ring happy ang mag-asawa at na-enjoy ang Japanese foods.
Humanga at nagbiro naman ang netizens sa nasabing post.
“Love how Anne manages her time. Time with friends, with Dahlia & with hubby,” komento ng isa.
“Uyy, asawa ni Anne Cortis oh,” biro ng isa.
“si dahlia po nagpicture?” pabirong komento ng netizen.
“Ang saya na makita kang masaya Ate Anne with your forevErwan!” sey ng isa pa.

Anne Curtis nakipag-‘bebe time’ kay Erwan

Share.