Hindi nagpakabog si Andrea Brillantes sa binyag ng anak ng beshie niyang si Bea Borres dahil ginawa nitong fashion event ang okasyon at nagmukhang accessory raw ang bata.
Sa unang larawan pa lang ni Andrea sa loob ng simbahan, ramdam na agad ang pa-mowdel ng aktres.
Animo’y nakasalang sa photo shoot si Andrea sa pag-pose nito habang karga nito ang anak ng kaibigan.
Naka-raffle baby blue mini dress si Andrea habang naka-white shadem nakalitaw ang kanyang legs.
Wapakels na nag-emote habang naka-background ang altar at malaking crucifix sa kanyang likod.
Hindi natapos ang fashion trip ni Andrea dahil bitbit pa rin nito ang bata sa ilang poses niya sa hagdan.
Hindi umubra si Bea B. sa paandar ni Andrea kahit siya dapat ang bida at ang kanyang sanggol, at naka-butter yellow long gown pa siya.
Aliw na aliw naman ang mga netizen sa paandar ng aktres.
Ilan sa mga netizen ang nagsabing ginawang bag ni Andrea sa pagbitbit sa kanyang inaanak.
“Grabe naman yung ninang!”
“The Moment.”
“So cute you carry her like a birkin so cuteeee pea looking so expensive baby.”
“Ginawa bouquet na naman si hopea.”
“Parang bag lang yung hawak HAHAHAHA cute!”
“Kala mo naghahawak lang ng bag e, HAHAHAHA.”
Trending
- Ramilo nagtapos na 23rd sa FIG World tourney
- Alyssa Valdez magbabalik sa Alas Pilipinas?
- ‘Powerpuff Girls’ voice actor Tom Kane pumanaw na
- Bimby papasok sa politika?
- Andrea Brillantes paandar sa binyag ng anak ni Bea Borres
- Ebidensyang hawak ni Romualdez vs PGMN, malakas
- Kalinga Act, aprubado na sa Kamara
- Comelec: May 5.3M newly registered voters sa 2026 BSKE

