Namamaga ang magkabilang pisngi ni Baby Lili, anak nina Ellen Adarna at Derek Ramsay.
Resulta ito ng pagkakapapak ng insekto sa mukha ng bata
Ipinost ni Ellen sa kanyang Instagram story ang photo ni Lili na pulang-pula ang fez nito–dahil nga may swelling ito.
Dahil sa nangyari sa anak, kinailangan ni Ellen na magsagawa ng pest control sa kanilang bahay mismo.
Kasama ding ipinost ni Ellen ang screen shot ng exchange of text messages nila ng taga-pest control company.
Napagkasunduan na magkakaroon ng pest control sa bahay ni Ellen dalawang beses isang buwan.
Willing ding magbigay ng advance payment si Ellen para doon covering a period of three months.
Duda naman ng ilang netizens–tila may pinapasaringan si Ellen sa kanyang post.
Sa kabila ng pamamaga ng mukha, obyus na dedma lang si Lili na patuloy pa din sa kanyang paglalaro base sa video post ni Ellen.
Malamang na ipis daw ang dumale kay Lili.

Share.
Exit mobile version