Ibinunyag ng veteran actress na si Amy Austria na anim na taon siyang nakipaglaban sa pagkalulong sa droga bago niya tuluyang natagpuan ang daan tungo sa pagbabago at pagbangon.
Naging bukas si Austria tungkol sa madilim na yugto ng kanyang buhay at kung paano unti-unting naging parte ng kanyang pamumuhay ang paggamit ng droga.
Ayon kay Austria, sa simula ay tila kaya pa niyang kontrolin ang paggamit nito ngunit habang lumilipas daw ang panahon, hinahanap-hanap na niya ito.
Ikinuwento rin ng aktres kung gaano kahirap ang pagtatangka niyang tuluyang itigil ang paggamit.
Dumating pa raw sa panahong halos isang taon siyang paulit-ulit na sumubok na huminto.
Kapag hindi na raw niya kayang kumilos dahil sa withdrawal, napipilitan siyang muling bumili ng droga.
At kapag nakagamit muli siya, saka lamang bumabalik ang kanyang enerhiya at kakayahang gumawa ng mga pang-araw-araw na gawain tulad ng paglilinis ng bahay pati na pagligo.
“Six years ‘yun! Six years ‘yun… nakikipaglaban ako,” sabi pa niya.
Binalikan din ni Austria ang pagkawala ng kanyang dating partner na si Jay Ilagan, na nakasama niya sa loob ng siyam na taon bago ito pumanaw sa isang aksidente.
“Noong umpisa ang sabi ko ayaw ko nang ma-in love. Siya na lang pero nakakasira pala ng ulo hanggang sa kung ano-ano pinaggagagawa ko,” ani Austria.
Sa huli, pananampalataya raw ang dahilan ng kanyang pagbangon.
Inimbitahan siya ng aktor na si Christopher de Leon na dumalo sa isang Oasis of Love retreat. Doon, sinabi ni Austria na isinuko niya sa Diyos ang anim na taong pakikipaglaban niya sa addiction.
Sa kanyang panalangin, hiniling niya sa Panginoon na tulungan siyang alisin ang bagay na matagal na niyang sinusubukang talikuran ngunit hindi niya magawa nang mag-isa.
Inimbitahan din siya ng isang kaibigan sa Bible study.
“‘Yung unang attend ko ng Bible study na ‘yun, nahawakan agad ako ni Lord. Ang daming enlightenment,” pag-alala niya.
Trending
- EJ Obiena lumundag sa panibagong ginto sa Poland
- Pacquiao, flinex ang paghatid kay Queenie sa US
- Ivana Alawi nakapantulog sa karinderya tour
- Kim Chiu binantaang papatayin
- Amy Austria 6 taong nakipaglaban sa drug addiction
- Brig. Gen. Mikee. nagbitiw
- Guteza binawi pasabog vs Romualdez; Marcoleta, Defensor nilaglag
- 10 araw na service incentive leave, isinusulong
