Sa kanyang vlog, inamin ni Alex Gonzaga na dating iyakin siya.
Katunayan, noong hiniwalayan daw siya ng kanyang dating non-showbiz boyfriend ay sobra siyang na-depressed.
Dagdag pa niya, it took her several months bago siya naka-recover.
Sa ngayon daw, nagpapasalamat siya dahil napunta siya sa tamang tao.
Blessing daw na maituturing na ang mister niya na si Mikee Morada ay maganda ang naging upbringing at masaya ang naging childhood kaya wala itong mid-life crisis.
Sa naturang vlog, ibinuking din niya ang ilang sikreto sa kanyang nakaraan.
Sey niya, pinormahan daw siya noon nina John Lloyd Cruz at maging ni Piolo Pascual.
Wala na raw naman siyang kailangang isikreto dahil happily married na siya at soon to be ay magiging mother.
Tungkol naman sa kanyang pagbubuntis, Ibinida niya na nagkakaroon siya ng struggles bilang first time mom.
May mga nagma-manifest daw kasi sa kanyang katawan at balat tulad ng amoy o pigmentation na kasama minsan sa ritwal ng pagdadalang-tao.
====
Trending
- FILIPINAS VS UKRAINIE :WTA NO0.16 EALA KONTRA OLIYNYKOVA
- EJ Obiena nasungkit ang ginto sa ISTAF Berlin
- Lella Ford ibinigay na ang matamis na ‘yes’ kay Joaquin
- VMX star Lea Bernabe ayaw magkadyowa ng foreigner
- Charo Santos hindi tumatanda, pambato sa Chinese drama
- Anti-dengue, anti-leptospirosis pinalakas ng DepEd
- Army nagdagdag ng 2 battalion para sa BARMM Polls
- 3M ektarya ng sakahan poprotektahan sa paglawak ng solar projects
