Sa patuloy na pag-angat ng kanyang karera, muling pinatunayan ni Alex Eala ang kanyang husay matapos ilampaso ang world Number Ten  na si Elina Svitolina sa Twenty Twenty Six Mubadala DC Open.

Sa loob lamang ng dalawang set, Six-Three; Six- Four, muling naulit ang tagumpay ng Filipina laban sa Ukrainian star—katulad ng kanilang laban sa Berlin Open noong Hunyo.

Matapos mabigo sa unang bahagi ng ikalawang set at maunahan ng One- Three, ipinakita ni Alex  ang kanyang tibay at determinasyon. Sunod-sunod niyang nakuha ang tatlong game upang makabawi, bago tuluyang isinara ang laban sa pamamagitan ng isang matatag na break point.

Ang panalo ay nagbigay kay Eala ng ika-anim na panalo kontra Top Ten player sa kanyang kabataan, at nagdala sa kanya sa semifinals kung saan makakaharap niya si Naomi Osaka.

 Ang tagumpay na ito ay hindi lamang dagdag sa kanyang rekord, kundi patunay na ang isang Filipina ay kayang makipagsabayan sa pinakamalalakas na manlalaro sa mundo.

Share.