Aminado si dating Vivamax sexy actress AJ Raval na nagsisi raw siyang gumanap ng mga sexy role sa pelikula at serye.
Sinabi niya na bagama’t nagsisisi, mayroon naman daw siyang mga natutuhan.
Aniya, “Wala na po akong magagawa. Nagawa ko na. Pero ang maganda po do’n, marami po akong natutunan.”
“Nagawa ko na po ‘to. Hindi na po siya gagawin ng mga anak ko,” dugtong pa ni AJ.
Kaya naman wala na raw balak pang tumanggap ng sexy roles si AJ kahit suportado siya ni Aljur sa bagay na ito, lalo na ngayong may anak na siya.
“As a partner,” saad niya, “rerespetuhin ko si Aljur na magdedesisyon ako na kung ano ‘yong hindi ko dapat gawin.”
Matatandaang minsan na rin inihayag ang wakas ng hubadera era niya nang sumalang siya sa isang panayam noong Agosto 2024.
Sa ngayon, gusto raw ni AJ na sumabak sa iba’t ibang uri ng pag-arte. Natuklasan din daw kasi niya sa pagganap niya sa “Magpakailanman” na magaling umano siyang umiyak.

Share.
Exit mobile version