Lalong nagkaroon ng dahilan ang mga kontra sa Pax Silica dahil mismong sa Estados Unidos ay marami na umanong estado ang nagpapatigil sa pag-develop ng Artificial Intelligence (AI) at hyperscale data centers sa kanilang bansa.
Ayon kay ACT Teacher party-list Rep. Antonio Tinio, 15 US states na ang nagpapatigil sa development ng AI hubs at hyperscale data centers kaya dito na itatambak ng Amerika ang industriya na inaawayan sa kanilang bansa.
“The Philippines already has enough problems as it is. We do not need new and bigger problems due to US dictates using Pax Silica. The US government and the Marcos administration should not dump AI and hyperscale hubs in the Philippines along with its numerous problems,” ani Tinio.
Sa November 2026 ay inaasahang ipopormalisa ng Pilipinas at Amerika ang Pax Silica initiatives kung saan magtatayo ng industriya sa may 1,600 hanggang 4,000 ektarya ng lupain sa Central Luzon partikular na sa New Clark City sa Capaz, Tarlac.
Dito sa bansa na umano ide-develop at gagawin ang mga chips na kailangan para sa AI na ayon kay Tinio ay gagamitin ng Amerika sa kanilang military sa pakikipaggiyera sa iba’t ibang bahagi ng mundo.
Sinabi ni Tinio na inaayawan na ng may 15 estado sa Amerika tulad ng New York, Georgia, Maine, Maryland at Michigan, ang AI at hyperscale hub na ito dahil sa napakalaking konsumo sa kuryente at tubig
Sa Texas aniya, 1,800 projects para sa AI at hyperscale data center ang nakapila subalit nangangailangan ito ng 474 gigawatts supply ng kuryente na anim na beses na laki sa konsumo ng estado kaya inayawan ito.
Dahil dito, dapat aniyang itigil ang Pax Silica initiatives na ito dahil sa problemang idudulot nito sa bansa imbes na makatulong sa mga Pilipino maliban sa walang coordinated national plan sa inisyatibang ito.
Trending
- Bacaro, Colonia nagwagi ng medalya sa Uzbekistan
- Manlalaro ng Ateneo Men’s basketball , biktima rin
- Liza Soberano unti-unting naaabot ang Hollywood dream
- Sophia Laforteza pahinga muna para sa mental health
- Awra Briguela binalikan ang nagawang pagkakamali
- NEA dapat tutukan ang rural electrification program
- ‘Di susuko ang Pilipinas sa Bajo de Masinloc
- Robin Padilla, misis ni Bato nagkita sa Davao
