Naghain ng reklamo ang Department of Energy na kinatawan ni Secretary Sharon S. Garin sa National Prosecution Service ng Department of Justice (DOJ) laban sa Solar Para Sa Bayan Corporation (SPSB) na itinatag ni Batangas 1st District Rep. Leandro Leviste dahil sa kabiguang makapaghatid ng kuryente sa malalayong komunidad kahit may congressional Franchising simula 2019.
Sa inihaing reklamo, inirekomenda ng DOE nitong Mayo 6 ang pag-uusig ng mga opisyal ng SPSB at Solar Para Sa Bayan Holdings Corp (SPBC) dahil sa paglabag sa Revised Public Service Act.
Kabilang sa mga respondents sina Antonio C. Legarda Sr.; Benjie C. Legarda; Antonio B. Legarda Jr.; Hazel Irish Pala Fuentes at Irma C. Flaminiano.
Nakasentro ang kaso sa Republic Act No.11357 isang batas noong 2019 na nagbigay sa SPSB/SPBC ng 25-taong legislative franchise upang magtayo at mag-operate ng renewable-energy microgrids sa malalayong lugar.
Ayon sa DOE, halos pitong taon na ang nakalipas ngunit nabigo ang kumpanya na i-operationalie ang prangkisa.
Wala ring rekord na nakakuha ng SPSB/SPBC ang mga kinakailangang permit o nagbigay ng kuryente sa mga benipisyaryo.
Ang prangkisa ay awtomatikong mawawalan ng bisa kung hindi mag-operate nang tuloy-tuloy sa loob ng dalawang taon.
Ayon sa DOE, “Sinadya at kusang-loob na pinabayaan, hindi ginawa o kinaligtaan” ng mga opisyal ng SPSB/SPBC na gampanan ang mga serbisyong itinakda sa ilalim ng prangkisa — mga gawaing may parusang multa na aabot sa P22 milyon, pagkakakulong ng anim hanggang 12 taon o pareho.
Trending
- Pulis-Maynila isa-summary dismissal, nananakot
- GM Antonio: Ika-5 sa Banja Open; hari sa 50+ division
- Ika-20 Kamatyas Chess Festival sa Nobyembre 21
- Gadgets sa barangay hall tinangay, 4 kawatan tiklo
- Paslit minolestiya, tambay dinampot
- May-ari ng pet crematorium sumuko sa NBI
- Bangkay sa CR , suspek tiklo
- ER sa Ospital ng Maynila napuno

