Ipinagbawal ng Korean Air ang mga manok panabong sa mga flight nito mula US patungong Pilipinas matapos ang sinabi ng animal welfare group na ginagamit ang naturang airline ng illegal na pagsusuplay ng mga panabong sa mga bansa sa Asya.
Ayon sa New York Times, sinabi ng Washington-based group Animal Wellness Action (AWA) na ginagamit ng chicken breeders sa Texas at Oklahoma ang Korean Air para ibyahe ang mga ibon patungong Asya.
Mayroong operasyon ng passenger at cargo flights mula Dallas Fort Worth International Airport patungong Manila via Seoul Incheon International Airport ang naturang airlines.
“Korean Air has suspended the transportation of roosters of all ages on routes from the United States to the Philippines,” ayon kay Diane Yang, tagapagsalita ng Korean Air.
“Korean Air is firmly committed to the lawful and safe transport of live animals,” dagdag pa.
Sa hiwalay na report, sinabi na bagamat illegal ang sabong sa US, ang pagpapalaki at pagbebenta ng mga manok para rito ay hindi ipinagbabawal.
“According to the nonprofit, these breeders rear the birds for the sole purpose of fighting. Those birds are then allegedly sold for as much as $2,000 each,”ayon sa report.
Trending
- Sixers muling kinastigo ang Celtics
- DepEd, nakiramay sa pagpanaw ng isang student-athlete
- Kathryn, engaged na
- lan, nagsalita na sa kasal ni Bea
- Derrick, plano nang magpatali!
- 4K magsasaka apektado ng matinding init sa Sarangani
- LTO: Walang blanket ban sa e-bikes, e-trikes
- Presyo ng gasolina, diesel tataas sa susunod na linggo

