MAY panibagong oil price hike sa susunod na linggo.
Ayon sa industry sources at sa Department of Energy (DOE), nakabatay ito sa galaw ng Mean of Platts Singapore (MOPS) at sa patuloy na paghina ng piso kontra dolyar.
Ang inaasahang dagdag-presyo sa diesel: ₱1.00 – ₱2.00 kada litro .
Sa gasoline ay ₱2.00 – ₱3.00 kada litro.
Ayon sa DOE, posibleng dagdag-presyo dahil sa mahinang palitan ng piso-dolyar at mga trend sa global oil trading .
Sinabi ni Energy Secretary Sharon Garin na may mga “early trends” na nagpapakita ng upward adjustment sa presyo ng langis .
Karaniwan, ang mga kompanya ng langis ay nag-aanunsyo ng adjustments tuwing Lunes at ipinatutupad ito kinabukasan, Martes .
Ito na ang ika-17 price movement ngayong taon, na nagresulta sa kabuuang netong pagtaas ng ₱44.23/litro sa gasolina, ₱48.96/litro sa diesel, at ₱57.99/litro sa kerosene .

